Awit 97

Ang kabutihan ng Diyos ay sumisinag sa matutuwid at nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila.

Psalm 97:11 (UKJV) Light is sown for the righteous, and gladness for the upright in heart.

9Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos ay naghahari sa buong mundo. Higit kayong dakila kaysa sa lahat ng mga diyos.

10Kayong mga umiibig sa Panginoon ay dapat mamuhi sa kasamaan. Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama.

11Ang kabutihan ng Diyos ay sumisinag sa matutuwid at nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila.

12Kayong matutuwid, magalak kayo sa Panginoon. Pasalamatan siya at purihin ang kanyang pangalan!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.