Awit 97

Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos ay naghahari sa buong mundo. Higit kayong dakila kaysa sa lahat ng mga diyos.

Psalm 97:9 (UKJV) For you, LORD, are high above all the earth: you are exalted far above all gods.

7Mapapahiya ang lahat ng sumasamba sa mga diyos-diyosan at ang mga ipinagmamalaki ang mga ito. Kayong lahat na mga diyos-diyosan lumuhod at sambahin ninyo ang Diyos.

8Panginoon, narinig ng mga taga-Zion at ng mga taga-Juda ang tungkol sa inyong wastong pamamaraan ng pamamahala, kaya tuwang-tuwa sila.

9Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos ay naghahari sa buong mundo. Higit kayong dakila kaysa sa lahat ng mga diyos.

10Kayong mga umiibig sa Panginoon ay dapat mamuhi sa kasamaan. Dahil iniingatan ng Panginoon ang buhay ng kanyang mga tapat na mamamayan at inililigtas niya sila sa masasama.

11Ang kabutihan ng Diyos ay sumisinag sa matutuwid at nagbibigay ito ng kagalakan sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.