Awit 97

Ang mga kidlat niyaʼy nagliliwanag sa mundo. Nanginginig sa takot ang mga tao kapag nakikita ito.

Psalm 97:4 (UKJV) His lightnings enlightened the world: the earth saw, and trembled.

2Napapalibutan siya ng makakapal na ulap at naghahari nang may katuwiran at katarungan.

3May apoy sa unahan niya at sinusunog nito ang mga kaaway niyang nakapalibot sa kanya.

4Ang mga kidlat niyaʼy nagliliwanag sa mundo. Nanginginig sa takot ang mga tao kapag nakikita ito.

5Natutunaw na parang kandila ang mga kabundukan sa presensya ng Panginoon, ang Panginoon na naghahari sa buong mundo.

6Ipinapahayag ng langit ang kanyang katuwiran, at nakikita ng lahat ng tao ang kanyang kaluwalhatian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.