Awit 98

Hindi niya kinalimutan ang kanyang pag-ibig at katapatan sa Israel. Nakita ng lahat ng tao sa buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos.

Psalm 98:3 (UKJV) He has remembered his mercy and his truth toward the house of Israel: all the ends of the earth have seen the salvation of our God.

1Umawit ng bagong awit sa Panginoon, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga gawa! Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy tinalo niya ang ating mga kaaway.

2Ipinakita ng Panginoon sa mga bansa ang kanyang pagliligtas at pagiging makatuwiran.

3Hindi niya kinalimutan ang kanyang pag-ibig at katapatan sa Israel. Nakita ng lahat ng tao sa buong mundo ang pagliligtas ng ating Diyos.

4Kayong lahat ng tao sa buong mundo, sumigaw kayo sa galak sa Panginoon! Buong galak kayong umawit ng papuri sa kanya.

5Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon habang tinutugtog ang mga alpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.