5Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, walang pag-aalala na silaʼy hahatulan. Hinahamak nila ang lahat nilang kaaway.
6Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema.
7Silaʼy lapastangan kapag nagsasalita, mga sinungaling at mapagbanta, at sila rin ang sumasambit ng mga salitang masasama at masasakit.
8Sa mga nayon silaʼy nagtatago; nag-aabang ng mga inosente na kanilang papatayin.
9Para silang leon na nakakubli at nag-aabang, para sakmalin at kaladkarin ang mahihirap.