Awit 10

Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, walang pag-aalala na silaʼy hahatulan. Hinahamak nila ang lahat nilang kaaway.

Psalm 10:5 (UKJV) His ways are always grievous; your judgments are far above out of his sight: as for all his enemies, he puffs at them.

3Ipinagmamalaki nila ang masasamang kagustuhan ng kanilang puso. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon.

4Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, ang Diyos ay kanilang binabalewala, at wala siyang puwang sa pusoʼt isip nila.

5Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, walang pag-aalala na silaʼy hahatulan. Hinahamak nila ang lahat nilang kaaway.

6Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema.

7Silaʼy lapastangan kapag nagsasalita, mga sinungaling at mapagbanta, at sila rin ang sumasambit ng mga salitang masasama at masasakit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.