Awit 10

Ipinagmamalaki nila ang masasamang kagustuhan ng kanilang puso. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon.

Psalm 10:3 (UKJV) For the wicked boasts of his heart's desire, and blesses the covetous, whom the LORD detests.

1Panginoon, bakit napakalayo nʼyo? Bakit kayo nagtatago sa mga oras ng gulo?

2Ang dukhaʼy pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Nawaʼy sa kanila mangyari ang masasamang plano nila.

3Ipinagmamalaki nila ang masasamang kagustuhan ng kanilang puso. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon.

4Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, ang Diyos ay kanilang binabalewala, at wala siyang puwang sa pusoʼt isip nila.

5Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, walang pag-aalala na silaʼy hahatulan. Hinahamak nila ang lahat nilang kaaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.