Awit 10

Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, ang Diyos ay kanilang binabalewala, at wala siyang puwang sa pusoʼt isip nila.

Psalm 10:4 (UKJV) The wicked, through the pride of his countenance, will not seek after God: God is not in all his thoughts.

2Ang dukhaʼy pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Nawaʼy sa kanila mangyari ang masasamang plano nila.

3Ipinagmamalaki nila ang masasamang kagustuhan ng kanilang puso. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon.

4Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, ang Diyos ay kanilang binabalewala, at wala siyang puwang sa pusoʼt isip nila.

5Ang kanilang pamumuhay ay laging matagumpay, walang pag-aalala na silaʼy hahatulan. Hinahamak nila ang lahat nilang kaaway.

6Akala nilaʼy walang mangyayaring masama sa kanila at wala silang magiging problema.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.