1Panginoon, bakit napakalayo nʼyo? Bakit kayo nagtatago sa mga oras ng gulo?
2Ang dukhaʼy pinahihirapan ng masasama at mayayabang. Nawaʼy sa kanila mangyari ang masasamang plano nila.
3Ipinagmamalaki nila ang masasamang kagustuhan ng kanilang puso. Pinupuri nila ang mga sakim, ngunit kinukutya ang Panginoon.
4Dahil sa kahambugan ng mga taong masama, ang Diyos ay kanilang binabalewala, at wala siyang puwang sa pusoʼt isip nila.