7Silaʼy lapastangan kapag nagsasalita, mga sinungaling at mapagbanta, at sila rin ang sumasambit ng mga salitang masasama at masasakit.
8Sa mga nayon silaʼy nagtatago; nag-aabang ng mga inosente na kanilang papatayin.
9Para silang leon na nakakubli at nag-aabang, para sakmalin at kaladkarin ang mahihirap.
10Dahil malakas sila, ibinabagsak nila ang mga kawawa, hanggang sa hindi na makabangon pa.
11Ang akala nilaʼy hindi sila pinapansin ng Diyos at hindi niya nakikita ang kanilang mga ginagawa.