1Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo.
2Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan.
3Hindi ko hahayaan ang anumang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Diyos, at hindi ako makikibahagi sa kanilang ginagawa.