Awit 101

Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan.

Psalm 101:2 (UKJV) I will behave myself wisely in a perfect way. O when will you come unto me? I will walk within my house with a perfect heart.

1Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo.

2Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan.

3Hindi ko hahayaan ang anumang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Diyos, at hindi ako makikibahagi sa kanilang ginagawa.

4Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip; hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.