Awit 101

Hindi ko hahayaan ang anumang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Diyos, at hindi ako makikibahagi sa kanilang ginagawa.

Psalm 101:3 (UKJV) I will set no wicked thing before mine eyes: I hate the work of them that turn aside; it shall not cleave to me.

1Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan. Aawit ako ng mga papuri sa inyo.

2Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan.

3Hindi ko hahayaan ang anumang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Diyos, at hindi ako makikibahagi sa kanilang ginagawa.

4Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip; hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.

5Sinumang lihim na naninira sa kanyang kapwa ay aking wawasakin. Ang mga hambog at mapagmataas ay hindi ko palalagpasin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.