Awit 101

Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip; hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.

Psalm 101:4 (UKJV) A perverse heart shall depart from me: I will not know a wicked person.

2Mamumuhay ako nang walang kapintasan. Kailan nʼyo ako lalapitan? Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan.

3Hindi ko hahayaan ang anumang kasamaan. Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Diyos, at hindi ako makikibahagi sa kanilang ginagawa.

4Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip; hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.

5Sinumang lihim na naninira sa kanyang kapwa ay aking wawasakin. Ang mga hambog at mapagmataas ay hindi ko palalagpasin.

6Ipapadama ko ang aking kabutihan sa aking mga kababayan na tapat at namumuhay nang matuwid; silaʼy magiging kasama ko at papayagan kong maglingkod sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.