6Ipapadama ko ang aking kabutihan sa aking mga kababayan na tapat at namumuhay nang matuwid; silaʼy magiging kasama ko at papayagan kong maglingkod sa akin.
7Ang mga mandaraya at mga sinungaling ay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.
8Bawat araw ay lilipulin ko ang mga taong masama; mawawala sila sa bayan ng Panginoon.