Awit 102

Panginoon, pakinggan nʼyo ang aking dalangin. Ang paghingi ko sa inyo ng tulong ay inyong dinggin.

Psalm 102:1 (UKJV) Hear my prayer, O LORD, and let my cry come unto you.

1Panginoon, pakinggan nʼyo ang aking dalangin. Ang paghingi ko sa inyo ng tulong ay inyong dinggin.

2Sa oras ng aking paghihirap ay huwag sana kayong magtago sa akin. Pakinggan nʼyo ako at agad na sagutin.

3Dahil ang buhay koʼy unti-unti nang naglalaho tulad ng usok; at ang katawan koʼy para nang sinusunog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.