16Dahil muling itatayo ng Panginoon ang Zion; ipapakita niya ang kanyang kaluwalhatian doon.
17Sasagutin niya ang panalangin ng mga naghihirap, at hindi niya tatanggihan ang kanilang mga dalangin.
18Isusulat ito para sa susunod na salinlahi, upang sila rin ay magpupuri sa Panginoon:
19Mula sa kanyang banal na lugar sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat sa mundo,
20upang pakinggan ang mga daing ng mga bihag, at palayain ang mga nakatakdang bibitayin.