18Isusulat ito para sa susunod na salinlahi, upang sila rin ay magpupuri sa Panginoon:
19Mula sa kanyang banal na lugar sa langit, tinitingnan ng Panginoon ang lahat sa mundo,
20upang pakinggan ang mga daing ng mga bihag, at palayain ang mga nakatakdang bibitayin.
21At dahil dito mahahayag ang ginawa ng Panginoon sa Zion, at siyaʼy papurihan sa lungsod ng Jerusalem
22kapag nagtipon na ang mga tao mula sa mga bansa, at mga kaharian upang sumamba sa Panginoon.