20upang pakinggan ang mga daing ng mga bihag, at palayain ang mga nakatakdang bibitayin.
21At dahil dito mahahayag ang ginawa ng Panginoon sa Zion, at siyaʼy papurihan sa lungsod ng Jerusalem
22kapag nagtipon na ang mga tao mula sa mga bansa, at mga kaharian upang sumamba sa Panginoon.
23Pinahina ng Panginoon ang aking katawan; at ang buhay koʼy kanyang pinaikli.
24Kaya sinabi ko, “O aking Diyos na buháy magpakailanman, huwag nʼyo muna akong kunin sa kalagitnaan ng aking buhay.