Awit 103

Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak; ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.

Psalm 103:13 (UKJV) Like a father pities his children, so the LORD pities them that fear him.

11Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Diyos sa mga may takot sa kanya.

12Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.

13Kung paanong ang ama ay nahahabag sa kanyang mga anak; ganoon din ang pagkahabag ng Panginoon sa mga may takot sa kanya.

14Sapagkat alam niya ang ating kahinaan, alam niyang tayoʼy mula sa alabok lamang.

15Ang buhay ng tao ay tulad ng damo. Tulad ng bulaklak sa parang, itoʼy lumalago.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.