18Ang mga matataas na kabundukan ay tirahan ng mga kambing-gubat. Ang mga mababatong lugar naman ay kanlungan ng mga badyer.
19Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon; at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda.
20Nilikha nʼyo ang kadiliman na tinawag na gabi; at kung gabiʼy gumagala ang maraming hayop sa kagubatan.
21Umaatungal ang mga leon habang naghahanap ng kanilang makakain na sa inyo nagmumula.
22At pagsapit ng umaga, bumabalik sila sa kanilang mga lungga, at doon nagpapahinga.