20Nilikha nʼyo ang kadiliman na tinawag na gabi; at kung gabiʼy gumagala ang maraming hayop sa kagubatan.
21Umaatungal ang mga leon habang naghahanap ng kanilang makakain na sa inyo nagmumula.
22At pagsapit ng umaga, bumabalik sila sa kanilang mga lungga, at doon nagpapahinga.
23Ang mga tao naman ay lumalabas papunta sa kanilang gawain, at nagtatrabaho hanggang takip-silim.
24Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon. Nilikha nʼyo ang lahat ayon sa inyong karunungan. Ang buong mundo ay puno ng inyong nilikha.