16Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy, Panginoon; ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.
17Doon nagpupugad ang mga ibon, at ang mga tagak ay tumatahan sa mga puno ng abeto.
18Ang mga matataas na kabundukan ay tirahan ng mga kambing-gubat. Ang mga mababatong lugar naman ay kanlungan ng mga badyer.
19Nilikha nʼyo ang buwan bilang tanda ng panahon; at ang araw namaʼy lumulubog sa oras na inyong itinakda.
20Nilikha nʼyo ang kadiliman na tinawag na gabi; at kung gabiʼy gumagala ang maraming hayop sa kagubatan.