Awit 104

Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy, Panginoon; ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.

Psalm 104:16 (UKJV) The trees of the LORD are full of sap; the cedars of Lebanon, which he has planted;

14Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at mga tanim para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain,

15may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

16Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy, Panginoon; ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.

17Doon nagpupugad ang mga ibon, at ang mga tagak ay tumatahan sa mga puno ng abeto.

18Ang mga matataas na kabundukan ay tirahan ng mga kambing-gubat. Ang mga mababatong lugar naman ay kanlungan ng mga badyer.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.