Awit 104

Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at mga tanim para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain,

Psalm 104:14 (UKJV) He causes the grass to grow for the cattle, and herb for the service of man: that he may bring forth food out of the earth;

12At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

13Mula sa langit na inyong luklukan, ang mga bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.

14Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at mga tanim para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain,

15may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

16Nadidiligang mabuti ang inyong mga punongkahoy, Panginoon; ang puno ng sedro sa Lebanon na kayo rin ang nagtanim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.