Awit 104

Mula sa langit na inyong luklukan, ang mga bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.

Psalm 104:13 (UKJV) He waters the hills from his chambers: the earth is satisfied with the fruit of your works.

11Kaya lahat ng mga hayop sa gubat, pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.

12At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

13Mula sa langit na inyong luklukan, ang mga bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.

14Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at mga tanim para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain,

15may alak na maiinom na magpapasaya sa kanila, may langis na pampakinis ng mukha, at may tinapay na makapagpapalakas sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.