9Nilagyan nʼyo ito ng hangganan, upang hindi umapaw ang tubig, upang hindi na muling matabunan ang mundo.
10Lumikha ka ng mga bukal sa mga lambak, at umagos ang tubig sa pagitan ng mga bundok.
11Kaya lahat ng mga hayop sa gubat, pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.
12At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.
13Mula sa langit na inyong luklukan, ang mga bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.