Awit 104

At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

Psalm 104:12 (UKJV) By them shall the fowls of the heaven have their habitation, which sing among the branches.

10Lumikha ka ng mga bukal sa mga lambak, at umagos ang tubig sa pagitan ng mga bundok.

11Kaya lahat ng mga hayop sa gubat, pati mga asnong-gubat ay may tubig na maiinom.

12At malapit sa tubig, may mga pugad ang mga ibon, at sa mga sanga ng punongkahoy silaʼy nagsisiawit.

13Mula sa langit na inyong luklukan, ang mga bundok ay inyong pinapaulanan. At dahil sa inyong ginawa, tumatanggap ang mundo ng pagpapala.

14Pinatutubo nʼyo ang mga damo para sa mga hayop, at mga tanim para sa mga tao upang silaʼy may maani at makain,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.