25Ang dagat ay napakalawak, at hindi mabilang ang inyong mga nilalang dito, may malalaki at maliliit.
26Ang mga barko ay parooʼt parito sa karagatan, at doon din lumalangoy-langoy ang nilikha nʼyong Leviatan.
27Lahat ng inyong nilikha ay umaasa sa inyo ng kanilang pagkain, sa oras na kanilang kailanganin.
28Binibigyan nʼyo sila ng pagkain at kinakain nila ito, at silaʼy nabubusog.
29Ngunit kung pababayaan nʼyo sila, matatakot sila; at kapag binawi nʼyo ang kanilang buhay, silaʼy mamamatay at babalik sa lupa.