30Nalilikha sila kapag binigyan mo ng hininga, at sa ganoong paraan, binibigyan nʼyo ng bagong nilalang ang mundo.
31Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman. Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.
32Nayayanig ang mundo kapag inyong tinitingnan. Kapag hinipo nʼyo ang bundok, itoʼy umuusok.
33Aawit ako sa Panginoon habang akoʼy nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Diyos habang akoʼy may hininga.
34Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay. Akoʼy magagalak sa Panginoon.