Awit 104

Aawit ako sa Panginoon habang akoʼy nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Diyos habang akoʼy may hininga.

Psalm 104:33 (UKJV) I will sing unto the LORD as long as I live: I will sing praise to my God while I have my being.

31Panginoon, sana ay magpatuloy ang inyong kaluwalhatian magpakailanman. Sanaʼy magalak kayo sa lahat ng inyong nilikha.

32Nayayanig ang mundo kapag inyong tinitingnan. Kapag hinipo nʼyo ang bundok, itoʼy umuusok.

33Aawit ako sa Panginoon habang akoʼy nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Diyos habang akoʼy may hininga.

34Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay. Akoʼy magagalak sa Panginoon.

35Lipulin sana ang masasama, at ang mga makasalanan sa mundo ay tuluyan nang mawala. Pupurihin ko ang Panginoon. Purihin ang Panginoon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.