33Aawit ako sa Panginoon habang akoʼy nabubuhay. Aawit ako ng papuri sa aking Diyos habang akoʼy may hininga.
34Sanaʼy matuwa siya sa aking pagbubulay-bulay. Akoʼy magagalak sa Panginoon.
35Lipulin sana ang masasama, at ang mga makasalanan sa mundo ay tuluyan nang mawala. Pupurihin ko ang Panginoon. Purihin ang Panginoon!