3Itinayo nʼyo ang inyong tahanan sa itaas pa ng kalawakan. Ginawa nʼyo ang mga alapaap na inyong sasakyan, at inililipad ng hangin habang kayoʼy nakasakay.
4Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin, at ang kidlat na inyong utusan.
5Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon, kaya hindi ito matitinag magpakailanman.
6Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo, at umapaw hanggang sa kabundukan.
7Sa inyong pagsaway na parang kulog, nahawi ang tubig; sa inyong utos, ito ay tumalima;