5Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon, kaya hindi ito matitinag magpakailanman.
6Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo, at umapaw hanggang sa kabundukan.
7Sa inyong pagsaway na parang kulog, nahawi ang tubig; sa inyong utos, ito ay tumalima;
8at itoʼy umagos sa mga kabundukan at mga kapatagan, hanggang sa mga lugar na inyong inilaan na dapat nitong kalagyan.
9Nilagyan nʼyo ito ng hangganan, upang hindi umapaw ang tubig, upang hindi na muling matabunan ang mundo.