Awit 104

Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo, at umapaw hanggang sa kabundukan.

Psalm 104:6 (UKJV) You covered it with the deep as with a garment: the waters stood above the mountains.

4Ginagawa nʼyong tagapaghatid ng balita ang hangin, at ang kidlat na inyong utusan.

5Inilagay nʼyo ang mundo sa matibay na pundasyon, kaya hindi ito matitinag magpakailanman.

6Ang tubig ay ginawa nʼyong parang tela na ipinambalot sa mundo, at umapaw hanggang sa kabundukan.

7Sa inyong pagsaway na parang kulog, nahawi ang tubig; sa inyong utos, ito ay tumalima;

8at itoʼy umagos sa mga kabundukan at mga kapatagan, hanggang sa mga lugar na inyong inilaan na dapat nitong kalagyan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.