Awit 105

Pinahintulutan ng Panginoon na galitin at lokohin ng mga Ehipsiyo ang mga mamamayan na kanyang lingkod.

Psalm 105:25 (UKJV) He turned their heart to hate his people, to deal subtlely with his servants.

23Pagkatapos, pumunta si Jacob at ang kanyang pamilya sa Ehipto, na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sila nanirahan bilang dayuhan.

24Pinarami ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan, at naging makapangyarihan kaysa sa mga Ehipsiyo na kanilang kaaway.

25Pinahintulutan ng Panginoon na galitin at lokohin ng mga Ehipsiyo ang mga mamamayan na kanyang lingkod.

26Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod at si Aaron na kanyang hinirang.

27Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham ang mga himala na ginawa ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.