Awit 106

Ngunit muli nilang kinalimutan ang kanyang mga ginawa, at hindi na nila hinintay ang kanyang mga payo.

Psalm 106:13 (UKJV) They soon forgotten about his works; they waited not for his counsel:

11Tinabunan niya ng tubig ang kanilang mga kaaway, at walang sinumang nakaligtas sa kanila.

12Kaya naniwala sila sa kanyang mga pangako, at umawit sila ng mga papuri sa kanya.

13Ngunit muli nilang kinalimutan ang kanyang mga ginawa, at hindi na nila hinintay ang kanyang mga payo.

14Doon sa ilang, sinubok nila ang Diyos dahil sa labis nilang pananabik sa pagkain.

15Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling, ngunit binigyan din sila ng karamdaman na nagpahina sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.