10Iniligtas niya sila sa kanilang mga kaaway.
11Tinabunan niya ng tubig ang kanilang mga kaaway, at walang sinumang nakaligtas sa kanila.
12Kaya naniwala sila sa kanyang mga pangako, at umawit sila ng mga papuri sa kanya.
13Ngunit muli nilang kinalimutan ang kanyang mga ginawa, at hindi na nila hinintay ang kanyang mga payo.
14Doon sa ilang, sinubok nila ang Diyos dahil sa labis nilang pananabik sa pagkain.