14Doon sa ilang, sinubok nila ang Diyos dahil sa labis nilang pananabik sa pagkain.
15Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling, ngunit binigyan din sila ng karamdaman na nagpahina sa kanila.
16Sa kanilang kampo, nainggit sila kay Moises at kay Aaron na itinalagang maglingkod sa Panginoon.
17Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.
18At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.