Awit 106

Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.

Psalm 106:17 (UKJV) The earth opened and swallowed up Dathan and covered the company of Abiram.

15Kaya ibinigay niya sa kanila ang kanilang hinihiling, ngunit binigyan din sila ng karamdaman na nagpahina sa kanila.

16Sa kanilang kampo, nainggit sila kay Moises at kay Aaron na itinalagang maglingkod sa Panginoon.

17Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.

18At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.

19Doon sa Horeb ay gumawa ang mga taga-Israel ng gintong baka at sinamba nila ang diyos-diyosang ito. Itoʼy ginawa nilang diyos at kanilang sinamba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.