17Kaya bumuka ang lupa sa kinaroroonan ni Datan at ni Abiram at ng kanilang sambahayan at silaʼy nilamon.
18At may apoy pang naging kasunod na tumupok sa kanilang masasamang tagasunod.
19Doon sa Horeb ay gumawa ang mga taga-Israel ng gintong baka at sinamba nila ang diyos-diyosang ito. Itoʼy ginawa nilang diyos at kanilang sinamba.
20Ang kanilang dakilang Diyos ay pinalitan nila ng imahen ng toro na kumakain ng damo.
21Kinalimutan nila ang Diyos na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala doon sa Ehipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.