Awit 106

Kinalimutan nila ang Diyos na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala doon sa Ehipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.

Psalm 106:21 (UKJV) They forgotten about God their saviour, which had done great things in Egypt;

19Doon sa Horeb ay gumawa ang mga taga-Israel ng gintong baka at sinamba nila ang diyos-diyosang ito. Itoʼy ginawa nilang diyos at kanilang sinamba.

20Ang kanilang dakilang Diyos ay pinalitan nila ng imahen ng toro na kumakain ng damo.

21Kinalimutan nila ang Diyos na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala doon sa Ehipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.

23Nilipol na sana ng Diyos ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod. Nakiusap si Moises na huwag sana niyang ituloy na iparanas ang kanyang galit upang hindi sila malipol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.