Awit 106

Nilipol na sana ng Diyos ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod. Nakiusap si Moises na huwag sana niyang ituloy na iparanas ang kanyang galit upang hindi sila malipol.

Psalm 106:23 (UKJV) Therefore he said that he would destroy them, had not Moses his chosen stood before him in the breach, to turn away his wrath, lest he should destroy them.

21Kinalimutan nila ang Diyos na nagligtas sa kanila at gumawa ng mga kamangha-manghang bagay at himala doon sa Ehipto na lupain ng mga lahi ni Ham, at doon sa Dagat na Pula.

23Nilipol na sana ng Diyos ang kanyang mga mamamayan kung hindi namagitan si Moises na kanyang lingkod. Nakiusap si Moises na huwag sana niyang ituloy na iparanas ang kanyang galit upang hindi sila malipol.

24Tinanggihan nila ang magandang lupain dahil hindi sila naniwala sa pangako ng Diyos sa kanila.

25Nagsipagreklamo sila sa loob ng kanilang mga tolda at hindi sumunod sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.