27at ikakalat ang kanilang mga angkan sa ibang mga bansa at nang doon na sila mamatay.
28Inihandog nila ang kanilang mga sarili sa diyos-diyosang si Baal doon sa bundok ng Peor, at kumain sila ng mga handog na inialay sa mga patay.
29Ginalit nila ang Panginoon dahil sa kanilang masasamang gawa, kaya dumating sa kanila ang salot.
30Ngunit namagitan si Finehas, kaya tumigil ang salot.
31Ang ginawang iyon ni Finehas ay ibinilang na matuwid, at itoʼy hindi makakalimutan ng mga tao magpakailanman.