29Ginalit nila ang Panginoon dahil sa kanilang masasamang gawa, kaya dumating sa kanila ang salot.
30Ngunit namagitan si Finehas, kaya tumigil ang salot.
31Ang ginawang iyon ni Finehas ay ibinilang na matuwid, at itoʼy hindi makakalimutan ng mga tao magpakailanman.
32Doon sa Bukal sa Meriba, ginalit ng mga taga-Israel ang Panginoon, kaya nalagay sa gipit si Moises dahil sa kanila;
33Sapagkat ginalit nila si Moises, kaya nakapagsalita siya ng mga salitang hindi na niya napag-isipan.