30Ngunit namagitan si Finehas, kaya tumigil ang salot.
31Ang ginawang iyon ni Finehas ay ibinilang na matuwid, at itoʼy hindi makakalimutan ng mga tao magpakailanman.
32Doon sa Bukal sa Meriba, ginalit ng mga taga-Israel ang Panginoon, kaya nalagay sa gipit si Moises dahil sa kanila;
33Sapagkat ginalit nila si Moises, kaya nakapagsalita siya ng mga salitang hindi na niya napag-isipan.
34Hindi pinatay ng mga taga-Israel ang mga taga-Canaan taliwas sa utos ng Panginoon.