32Doon sa Bukal sa Meriba, ginalit ng mga taga-Israel ang Panginoon, kaya nalagay sa gipit si Moises dahil sa kanila;
33Sapagkat ginalit nila si Moises, kaya nakapagsalita siya ng mga salitang hindi na niya napag-isipan.
34Hindi pinatay ng mga taga-Israel ang mga taga-Canaan taliwas sa utos ng Panginoon.
35Sa halip, nakisama pa sila sa mga ito at sumunod sa kanilang mga kaugalian.
36Sinamba rin nila ang kanilang mga diyos-diyosan, at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan.