Awit 106

Sinamba rin nila ang kanilang mga diyos-diyosan, at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan.

Psalm 106:36 (UKJV) And they served their idols: which were a snare unto them.

34Hindi pinatay ng mga taga-Israel ang mga taga-Canaan taliwas sa utos ng Panginoon.

35Sa halip, nakisama pa sila sa mga ito at sumunod sa kanilang mga kaugalian.

36Sinamba rin nila ang kanilang mga diyos-diyosan, at ito ang nagtulak sa kanila sa kapahamakan.

37Inihandog nila ang kanilang mga anak sa mga demonyo.

38Pinatay nila ang kanilang mga walang malay na anak; Inihandog nila ang mga ito sa mga diyos-diyosan ng Canaan, sa ganooʼy dinungisan nila ang lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.