41Ipinaubaya niya sila sa mga bansang kanilang kaaway, at sinakop sila ng mga bansang iyon.
42Inapi sila ng kanilang mga kaaway, at inalipin sila ng mga ito.
43Maraming beses silang iniligtas ng Diyos, ngunit sinasadya nilang maghimagsik sa kanya, kaya ibinagsak sila dahil sa kanilang kasalanan.
44Ngunit kapag silaʼy tumatawag sa Diyos, tinutulungan pa rin niya sila sa kanilang mga paghihirap.
45Inaalaala ng Diyos ang kanyang kasunduan sa kanila, at dahil sa kanyang malaking pag-ibig sa kanila, napawi ang kanyang galit.