43Maraming beses silang iniligtas ng Diyos, ngunit sinasadya nilang maghimagsik sa kanya, kaya ibinagsak sila dahil sa kanilang kasalanan.
44Ngunit kapag silaʼy tumatawag sa Diyos, tinutulungan pa rin niya sila sa kanilang mga paghihirap.
45Inaalaala ng Diyos ang kanyang kasunduan sa kanila, at dahil sa kanyang malaking pag-ibig sa kanila, napawi ang kanyang galit.
46Niloob niya na silaʼy kaawaan ng mga bumihag sa kanila.
47Panginoon naming Diyos iligtas nʼyo kami, at muling tipunin sa aming lupain mula sa mga bansa, upang makapagpasalamat kami at makapagbigay-puri sa inyong kabanalan.